Day 64 Open letter: Sa lalaking nginitian ko

Sa lalaking nginitian ko,

(To the guy whom I smiled,)

Isang taon na ang nakakalipas ganitong araw din (March 7,2015), nang makita kita nang buong giliw habang ako ay nakapila sa Church event natin sa loob ng mall.

 
Kaytagal kitang pinag-day dream bago kita nakita nang araw na iyon. Noong ako ay binautismuhan bilang born again sa Church natin, ikaw ang hanap ng mata ko noon dahil kahawig mo ang lalaking nagpadurog sa puso ko. Pero hindi mo pala siya kamukha hanggang sa inentertain ko na ang pagkahumaling sa iyo. Siguro feelings are truly deceiving pero hindi ko inamin yun agad. Umasa ako at ginawa kitang inspirasyon para maka-move on sa lalaking nagpadurog ng puso ko.

Nang makita kita nang March 7, 2015, hindi maitago ang saya nang makita kita. Kaya ngumiti ako hanggang tenga at nagkataon nariyan ka sa harap ko isang dipa lang ang layo nating dalawa. Hindi karaniwan sa akin ang ngumiti sa isang lalaki lalo na at hindi ko kilala. Nakita mo ako ngumiti sa iyo abot tenga at ngumiti ka rin sa akin pero sarado ang iyong mga labi at ‘curt smile’ ika nga. Sobrang ‘fraction of a second’ lang ang pagtingin mo sa akin. Naalala ko nakasuot ka pa ng ‘dark blue shirt with pentagram star design’. Ganoon kita chinerish sa isip ko kaya kahit suot mong damit alam ko.
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noong isang taon. Sobra akong kinilig. Pero hindi mo ako kilala. Noong nakita kita at nginitian, hindi ko pa alam ang pangalan mo hanggang sa hindi na ako makatiis na-i-stalk na kita at nalaman ko ang pangalan mo. Isa lamang akong mukha sa maraming madla. Hindi ko maipagmamalaki ang aking kagandahan. 

Alam ko hindi mo ako magugustuhan dahil hindi ako nag-didiscipleship, wala pa akong nadala sa Victory Weekend, hindi ako nag-Purple book class, wala akong ministry, hindi na ako pumupunta sa Victory group ko, hindi ako nag-Ignite, hindi na ako nag-you-youth service, sobrang bihira na akong mag-Sunday service at may age gap ako sa iyo ng 5 years. 

Sobrang maraming dahilan para hindi mo ako magustuhan at pwede pa ako mag-isip ng maraming dahilan para limutin ka na lang.

At baka may iba ka na rin gusto at napupusuan. Ika nga baka “you have an apple of your eye who is not me.”
Pero kahit iba ang iyong gusto at maraming dahilan kung bakit hindi ako ang para sa iyo, nagpapasalamat ako kay Yahweh na naging bahagi ka ng mga alaala ko kahit sobrang saglit ka lang namalagi sa isip ko.

Sa mga hinaharap na darating, siguro hindi na kita papansinin at ngingitian kapag nakita kita muli sa Sunday services. 

Kaya paalam na sa lalaking nginitian ko. Alam ko may ibang nakalaan para sa iyo at kung ganito ang trato ko sa VME wala na talagang pag-asa upang makadaupang palad ka.

P.S. Gusto ko lang mag-emote sa blog ko.😔

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s