Day 277 Paano Magpaganda Inside And Out?

Good morning!

Disclaimer lang, hindi ko sinasabi na 100% beautiful na ako inside and out. Sa totoo lang, working progress pa lang ako. May mga times na parang na-achieve ko na ang inner beauty. May mga times na nagback slide ako. And all these kahit born again Christian na ako.

So paano nga ba maging maganda inside and outside?

Napansin ko lang, ang mga lalaki hindi yan magkakagusto sa iyo kung hindi ka maganda. Siyempre beauty is in the eye of the beholder. Kung tingin niya maganda ka physically kahit hindi ka niya kilala pa, warning: crush ka lang niya or infatuation lang iyon. In short, wag kang mag-assume, wag ka mag-isip ng future niyo at masasaktan ka lang kapag nakakita siya nang mas maganda sa iyo! Ganyan ang naramdaman ko nang maisip ko, oo nga pala hindi lang naman ako ang babae sa mundo na pwede niyang magustuhan. Marami pang iba diyan. Lalo na at hindi niya ako kilala at iba pa ang relihiyon niya, boom what a disaster of feelings. REJECTION. Whether physically sinabi or implied.

May iba namang lalaki na ang nagustuhan nila sa babae ay ang panloob niyang kagandahan. Madalas ko ito na-oobserbahan sa mga taong matagal na sila magkaibigan, magkakilala. In short, na-tested na by time ang mga ugali, habits, behaviors ng isa’t isa at itinadha na lagi silang magkasama physically.

Sa totoo lang, ang mas madalas ko ma-experience ay yung infatuation side. Wala pa talaga ako sa experience of real love in a fellow creature. (Real love mula kay God matagal ko na na-experience.)

So back to the topic, paano maging maganda inside and out?

Una sa lahat, kung na-broken hearted ka kagaya ko, sabog ang isip at puso mo! Kailangan mo talaga si Lord Jesus Christ to give you peace of mind and peace of heart. And I swear if you experience the peace of mind and peace of heart ni Lord Jesus Christ ma-i-in love ka kay Lord Jesus and you will make Him as your First Love. You need to have a personal relationship with Him. Bago ka makipagrelasyon or maghanap ng karelasyon, ayusin mo muna relationship mo kay Lord Jesus Christ. Tanungin mo sarili mo, “Do I have a personal and intimate relationship with Lord Jesus Christ?” Iba kasi na kilala mo lang yung pangalan sa talagang may relationship ka sa tao, di ba?

Pangalawa, kapag may relationship ka na kay Lord Jesus Christ, He will start to heal all your ugly parts dahan dahan. Hindi ito over night. Pero hindi rin siya imposible. Mangyayari at mangyayari yung healing in such a way na hindi mo ine-expect. So just accept it. Hindi lang ma-he-heal iyang puso mo, pati attitudes and desires mo mababago. You will have joy in your heart that will make you glowing and blooming.

Pangatlo, victorious mindset. It’s the same as having a positive attitude and thinking. One time, I tried to practice this kind of mindset. With this kind of mindset kasi you need to be brave and positive. And I believe if you have this kind of mindset, guys will not help but notice you. (Hindi ako consistent with this kaya working progress pa lang ako. Also yung part na guys notice you, infatuation lang iyan, hindi pa iyan real love. Real love takes time and is tested by time.)

Pang-apat, be at the know on how to really take care of your body. I believe hindi ka mapapansin ng guy kung hindi ka pala-ayos. And I tell you kung hindi ka malinis at maayos sa sarili mo, ipagpapalit ka ng crush mo sa ibang tao na mas malinis at mas pala-ayos kesa sa iyo. Sakit nun, di ba? Yung may natural kang ganda pero pinili niya yung mas maayos pang tingnan kesa sa iyo dahil nakalimutan mong ayusin sarili mo?!

Beauty tips:

Kailangan palagi maghilamos ng face. I personally use Garnier (orange) na facial wash kasi iyon talaga ang pinaka effective sa balat ko. 

Use moisturizer. Any brand would do. But I suggest you try aloe vera gel. Absorbs really well and can make your skin glowing and smooth sa consistent use. Meron nito sa Bench or sa Korean beauty shop (don’t know exact name eh).

Kung oily ang face mo especially sa nose, use a toner. For me, parang walang kwenta ang toner to minimize my pores. What I found effective to minimize my pores is using tomato. Just cut a tomato, dabbed your finger sa juice ng tomato and apply directly sa face. Simple and yet effective.

Protect your face from the sun! Use whatever means you can to protect your skin and eyes from the sun.

Eat healthy foods. Abstain from dairy and eggs kasi nakakataba and you don’t want unwanted hormones, pus, antibiotics in your body di ba? Avoid fatty foods to reduce the risk of cardiovascular diseases. As much as possible avoid highly processed foods. Take in supplements especially vitamin B complex kasi you won’t find these from plants or animal food products.

Hydrate.

Sleep right.

Avoid usok from traffic, nakakapangit ng face, I swear!

Always smile. Naobserbahan ko na guys love ladies who smile, friendly and kind. So be friendly, kind and smile and ofcourse with the right intentions.

I don’t know if what I said suffices today’s topic. Kung may gusto kayo idagdag, comment below. 😊😀😬👍🏻

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s